Linggo, Marso 13, 2016


                                                                                                    Anim na Sabado ng Beyblade
                                                                                                                                                   Ferdimand Pisigan Jarin






                                                                                                                        

                                                                                                         








Si Ferdinand Pisigan Jarin ay isang manunulat, musikero at guro. Dating literary editor ng “ The Touch Publication at Aklas Literary Folio ng PNU. Nagtapos siya ng BSE Social Science sa Philippine Normal University- Manila. Awtor ng pambatang libro “ Si Lorkan, Matulunging Butanding “ng 2002 UNICEF/ Tahanan Publishing at naging script contributor sa pambatang programang Batibot at Koko Kwik Kwak. Madalas ding , mailimbag ang kanyang mga akda sa ANI, ang Literary Folio ng Cultural Center of the Philippines, (CCP).
Tatlong ulit na siyang  nagawaran ng Don Carlos Memorial Award For Literature para sa Dulang may Isang Yugto ( Sardinas 2001), mailking kwento( Anim na Sabado ng Beyblade 2005) at Sanayasay( D’ Pol Pisigan band , 2010).
            Kasalukuyan siyang guro ng Agham Panlipunan at Filipino, Kasapi ng The Writters Block, KATAGA at Neo- Angono Artist Collective.
            Siya ay nakatira sa Cembo, Makati at napatira na rin sa maraming paupahang Bahay sa iba’t ibang lungsod ng Maynila.
Ang kwento at sanaysay ni Jarin ay nagsimula noong bata siya kung saan ikinuwento niya ang kanyang buhay sa kanilang probinsya sa Zambales, QUINABUANGAN. Ang paghangad niya na makasali bilang pinakamaliit na miyembro ng D’ POL PISIGAN BAND na binuong banda ng kanyang lolo. Ang kabataan niya biolang PULOT BOY ng isang marangyang  club. Maging ang mga naging karanasan niya sa KUMBENTO ay kanyang naisalaysay. Ang pagiging SERVICE CREW niya sa isang fast food sa bansa na mula umaga ay pagtungga nan g Michael Jordan at Olajuwon ang kanilang agahan. Ang BACLARAN na kanyang  naging tirahan pagwalang mauuwian. Pinakahuli ay ang ANIM NA SA BABADO NG BEYBLADE na kung saan ipinakita dito kung paano nakipaglaban ang kanyang anak sa sakit nito.
Mababasa natin ang mga listahan ng mga rambol na kanyang napasukan at mga napatumba sa inuman. Hindi lang ito puro bakbakan maging ang mga kalokohan niya sa larangan ng pagibig ay nakalista rin ditto. Dito din nakalista ang mga pangalan ng ex- girlfriends at ibat ibang bigpong first loves. Hindi lang din puro pansarili ang kanyang naisulat, nakalista rin ditto kung paano nilabanan ng kanyang anak ang sakit nito.
Sa mga akda ni Jarin, ang bida ay karaniwan. Karaniwang tao, karaniwang pamumuhay at iba pang karaniwang karanasan. Ang mga salita ay ating maiintindihan di ganun kalalim ang mga ginamit na salita. Kung ating iintindihin ang kanyang mga akda makikita dito na si Jarin ay isang pangkaraniwang tao lamang kaya tiyak na ito’y kunektado sa ating pangaraw araw na pamumuhay. Marami ring mapupulot na aral.
Hindi lang ito basta karaniwan, ito’y karaniwan at may sining. Hindi lang siya magaling magsulat kundi napakamalikhain din ng kanyang  mga kwento at sanaysay. Ang mga lugar, pagkatao mga kilos at maging ang mga pangyayari ay napakalinaw sa ating imahinasyon. Kaya niya ring patawanin at paiyakin nang sabay ang kanyang mambabasa. Kaya tiyak na tayo’y tatawa at iiyak dahil ito’y sumasalamin sa pamumuhay ng mga Pilipino.



Anim na Sabado ng Beyblade
Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin naniyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday,Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito.Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming-maraming laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote ControlledCars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyangBeyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.

Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglarong beyblade kasama ang mga pinsan.

Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kayay bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang dina kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakadudukotna rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng kaniyang gilagid.

Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanunginniya ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot atbinuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo saisang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili,  mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kami’y pumasokna sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di nagalaw namga kendi sa aming kinaupuan.

Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya angkanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon,kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ngpribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.

Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapitng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Angmga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay nabakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot nangingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.

Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan.Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandal matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata,ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahi lpagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino.

“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.”

Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado namasisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito.Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot.

Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pagaaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.



Anim na Sabado ng Beyblade
Ferdinand Pisigan Jarin
A.     Pamagat
Ang maikling kuwentong pinamgatang “ Anim na Sabado ng Beyblade” ay sumasalamin sa pagiging isang bata.  Ito ang pamagat sapagkat mahilig itong laruin ng batang si Rebo. Ito ang tanging nagpapagaan ng pakiramdam niya sa kabila ng sakit na kanyang dinaranas. Dahil sa kanyang karamdaman ang ang ikaanim na sabado mula sa taning ng kanyang buhay ay huling sabado na kung saaan ay wala ng Rebong maglalaro ng isang beyblade.
B.      Paksa
Ang paksa ng kwentong ito ay tungkol sa isang batang maysakit na si Rebo at  kung  paano niya dinanasa ang hirap at sakit  hanggang sa huling sabado ng kanyang buhay. 
C.      Tagpuan / Tauhan
Tagpuan –  Sa bahay nina Rebo
Tauhan
       Rebo – Isang batang dumanas ng sakit hanggang sa mamatay
       Ama – (Ferdinand Pisigan Jarin) ama ni Rebo na nag-alaga hangang sa huling hininga nito.
D.     Banghay
1.        Panimula
Unang sabado mula sa pagkakaroon ng sakit ni Rebo ay nagdiwang siya ng kanyang kaarawan kahit pa totoong kaarawan nito. Nangumbida ng maraming bisita ang kanyang ama. Pinagdala ng ama ang mga bisita ng regalong mga laruan at huwag kakalimutan ang laruang beyblade.
2.       Saglit na Kakintalan
Tatlong araw bago sumapit ang ikatlong sabado,  unti –unti na siyang nanghihina, bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya magawang makapaglaro ng beyblade. Sa kabila ng lahat ay pilit pa ring lumalaban si Rebo. Hanggang sa naglambing ang kaniyang anak at tinanong siya kung may pera ito. At ipinakita ng ama na may laman ang wallet nito , agad niyang tinanong kung ano ang gusto nito.  Sabay turo ng bata sa isang kalapit na tindahan at pinabibili ito ng kendi. Napakabilis niyang bumili at bumalik buhat sa tindahan sa kagustuhang maibigay ang hiling ng anak. Subalit pumasok sila sa tahanan ng naiwang nilalanggam at nabuksan ang kendi.

3.       Tunggalian
Ang tunggalian sa kuwento ay tao laban sa sarili  sapagkat dumanas ang bata ng kanyang sariling hamon ng pakikilaban sa sarili. Patuloy niyang ipinaglalaban ang sarili sa kabila ng sakit na kanyang nararanasan upang mabuhay.
4.       Kasukdulan
Tuluyan ng  nakalbo si Rebo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di kusang nalagas ang mga buhok nito dahil sa kanyang pagkairita ,sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng kasamahan ng ama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ngpribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.

Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ni Rebo ,pagsapitng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya ng dinala siya sa isang isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ang ama  ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa nito ay mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.



5.       Wakas
Sa huling Sabado ng Pebrero, Ikalimang Sabado ,eksaktong katapusan ay pumanaw na si Rebo. Kasabay ng pagluha ng kaniyang mga mata at pagtirik ng mata ay ang pagbuga ng kanyang huling hininga. Namatay ito habang tangan ng ama sa kanyang bisig. Hinintay lamang ni Rebo na dumating ang kanyang ama bago ito lagutan ng hininga. Di na man lamang sila nakapag-uasap sapagkat pagdating ng ama ay pinakwalan na nito ang sunod-sunod na palahaw ng tindi ng sakit.
Sa ikaanim na Sabado, ang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito.Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang ang  mga naiwan ay paglalabanan at pagaaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

E.      Wika
Matatalinhagang Pananalita
Kahulugan
Kirot
 Ito ay pakiramdam na masakit
Nakahimlay
 Natutulog
Nakapagngagalit
Nakakagalit
Palahaw
Sigaw

F.      Text Box:    beyblade
 
Simbolismo



Ang beyblade ay isang mahalagang bagay na  ginamit sa akda na kung saan ito ay sumisimbolo sa pagiging bata. Ito ang naging simbolo na mapagkakakilanlan sa batang si Rebo na kung saan ito ang laging magpapaalala sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.
G.     Mga Bisa
1.        Bisang Pangkaisipan
Natanim sa aking isipan ang halaga ng buhay at kung paano kayaning harapin ang bawat hamon at pagsubok ng kapalaran. Napagtanto ko na hanggat tayo ay nabubuhay sa mundong ito, ipagkaloob natin sa ating mga mahal sa buhay ang wagas na pagpapahalaga at pagmamahal sa kanila. Naiwan sa aking isipan na lahat tayo ay mawawala sa mundong ibabaw na kailangan nating tanggapin sa buhay.
2.       Bisang pandamdamin
Nalungkot ako para kay Rebo sapagkat sa murang edad niya ay nilisan na niya ang buhay sa mundong ibabaw na kung saan ay isang batang masayang naglalaro kasama ang ibang bata.  Nakakaiyak sapagkat dinanas ni Rebo ang ganoong pagsubok sa buhay sa murang edad pa lamang . Mahirap talagang mawalan ng mahal sa buhay kaya para sa ama ni Rebo masakit iyon. Mahirap matanggap sapagkat lagi mong maalala ang lahat, ang panahong kayo ay magkasama.

H.     Reaksyon
Habang binabasa ko ang kwentong ito, tumutulo talaga ang aking mga luha. Naantig ang aking puso sa dinanas na pagsubok ni Rebo dala ng kanyang sakit. Nakakaiyak talaga kasi akala ko mabubuhay si Rebo subalit hindi pala. Huling Sabado na pala iyon ng paglalaro niya ng beyblade. Humanga ako sa tatag at pagmamhal ng kanyang ama kay Rebo sapagkat sa kabila ng lahat hindi niya iniwan ang anak na harapin ang sakit na kanyang pinagdadanan. Lahat ay ginawa ng ama upang maging masaya ang kanyang anak hanggang sa huling hininga ni Rebo. Lalo akong naiyak nang sabihin ng ama na payapa ng nakahimlay si Rebo sa kabaong at masayang naglalaro na walang dinaranas na hirap habang siya ay maiiwang pinaglalalabanan na tanggapin ang kirot at pagkalungkot ng pagkawala nito. Isang katotohanan ito na kung saan ay talagang nararanasan ng mga taong naiiwan ng mga mahal sa buhay. Mahirap tanggapin, masakit, mahirap makalimot pero kailangan nating maging matatag na  harapin at tanggapin ang katotohanan. Kailangan nating harapin ang bagong bukas at kalimutan ang pait ng kahapon ng hindi tayo malugmok sa hirap na pinagdaanan.
Isang paghanga rin ang aking ipinaabot sa may akda nito na si G. Ferdinand Pisigan Jarin, nakakaantig talaga ng puso lalo na at ito ay totoong kwento ng buhay ng kanyang anak. Marami ang makakareleyt sa kwentong ito sapagkat sa totoong realidad ng buhay ay dumaranas tayo ng mga ganitong pagsubok na kahit masakit ay kailangang tanggapin at muling bumangon para sa isang magandang bukas na naghihintay.
                                                                                  Axalan, Rhina B.
























PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO

Sandaang Damit
ni Fanny A. Garcia


   Sinuri ni:
Axalan, Rhina B.
    111-A3




Pamagat ng Akda: Sandaang Damit
May Akda: Fanny A.Garcia
Si Fanny A. Garcia ay ipinanganak noong Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal na sa kasalukuyan ay Malabon City na. Isa siyang guro, manunulat, mananaliksik, editor, at tagapag- salin. Nagtapos ng Bachelor of Science sa edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakamit din niya ang kanyang Master of Arts at Ph.D.sa Filipino sa Malikhaing Pagsulat sa nasabing pamantasan..
Gawad-Chancellor Awardee bilang pinakamahusay mag-aaral sa Ph.D. sa Malikhaing Pagsulat. Siya rin ang kauna-unahang nagtapos sa programang Malikhaing Pagsulat sa antas masterado at doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Scriptwriter ng pelikulang ”Saan Darating Ang Umaga?” (Viva Films, Inc., 1983) na nominado sa kategoryang Best Story at Best Screenplay. Nalathala ang dulang pampelikula nito sa "Apat na Screenplay" na kaniyang inedit kasama si Armando Lao, kapwa premyadong mandudula sa pinilakang tabing. Premyadong manunulat din siya sa Carlos Memorial Palanca Awards para sa mga kategoryang maikling kuwento, sanaysay, iskrip, at kuwentong pambata. Nakapaglathala na siya ng anim na libro: Sandaang Damit at Iba Pang Maikling Kuwento (1994); Apartment 3-A Mariposa St. (1994); Pitong Teleplay (1995), co-editor; Apat na Screenplay (1997), co-editor; Erik Slumbook Paglalakbay Kasama Ang Anak Kong Austistic (2004), Family Album (2005). Kasama rin siya sa mga manunulat na nasa CCP Encyclopedia of Philippine Art, VolumeIX, Literature at kasalukuyang nagtuturo sa Pamantasang De La Salle. Naglilingkod din siya bilang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa nasabing unibersidad.
Pinakatagumpay niya sa pagsusulat ang magwagi ng National Book Award para sa Autobiography ng Manila Crtics' Circle para sa librong "Erick Slumbook".
Mga Tauhan:
Batang Babae: isang mahirap na bata, inaapi at sinungaling
Ina ng Batang Babae:  mapagmahal na ina, positibo para sa anak
Mga kaklase ng batang Babae: mga nang-aapi sa bata
Buod/ Lagom:
            May isang batang mahirap na tahimik lang palagi sa kanyang klase. Ang kanyang damit ay luma na at tinapay lamang ang kanyang baon palagi. At ang mga bagay na ito ang dahilan kung bagit siya inaasar ng kanyang mga kaklase. At naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanilang pamilya. At isang araw biglang nagkatinig ang bata, nagmamalaking sinabi na mayroon siyang isandaang damit. Ikinuwento niya sa kanila ang bawat detalye ng kanyang damit. At simula noon ay naging malapit na siya sa kanyang mga kaklase.

Ngunit nang magsimulang lumiban sa klase ang bata, nagtaka ang kanyang mga guro at ka-eskwela kaya napagdesisyunan nilang puntahan ang bata sa kanilang tahanan. At nakita nila ang sira-sirang bahay ng bata, ngunit hindi siya ang kaagad nilang hinanap kundi ang sandaang damit ng bata, at nakita nila itong nakadikit sa dinding, isandaang damit na pawing mga drowing lamang

Pagsusuri:
1.      Panahong Kinabibilangan
Ang kwentong ito ay nasulat sa panahong Kasalukuyan.
2.      Sariling Puna
Sa totoo lamang napakaganda ng pagkakasulat ng may akda sa kwentong ito. Masasalamin ang katotohanang nagyayari sa buhay. Napakaganda ng istilo ng may akda, ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at kaganapan sa kwento. Kaya masasabi ko sa aking pagsusuri ay wala akong puna na masama sa akdang ito.Hindi nakapagtataka kung bakit ang akdang ito ay ginawaran ng parangal.
3.      Bisa
a.       Bisang Pangkaisipan
Natanim sa isipan ko ang tungkol sa katayuan ng isang mahirap sa mundo ng mga mayayaman. Kung paano apihin ang mga batang hindi kayang suportahan ng mga magulang ang pangangailan g anak. Gayundin kung bakit ang mga mahihirap ay nasasakdal sa kasamaan at natututong gumawa ng mali sa buhay.
b.      Bisang Pandamdamin
Nalulungkot ako sapagkat napakasakit isipan na ang mga mahihirap ay inaapi sa kabila ng kanilang nararanasan.Naaawa ako sa kalagayan ng bata sapagkat sa murang edad ay nararanasan niya ang kaapihan sa buhay. Hindi ako makaramdam ng galit sa batang inapi kahit na siya ay nagsinungaling na  mayroong saandaang damit. Hindi ko siya masisisi sapagkat ginawa lamang niya iyon upang matigil na ang pang-aapi sa kanya. Mas nagagalit ako sa batang na kanyang kakalse sapagkat sa halip na tulungan ay inaapi pa nila.
c.       Bisang Pangkaasalan
Anumang hirap ang danasin sa buhay ay manatiling malinis ang kalooban.Ang kahirapan ay hindi dapat maging hadlang upang gumawa ng kasamaan. Kahit na mahirap ang isang tao kung may dangal naman at malinis ang kalooban, ito ang yaman na hindi makukuha ninuman.Sa ginawa ng bata ay nakuha niyang magsinungaling sapagkat dinaranas niya ang kaapihan upang malampasan lamang ang dulot ng kahirapan.
d.      Bisang Panlipunan
Kung mababasa ito ng nakararami, mauunawaan ng mga mambabasa ang kalagayan ng mga mahihirap sa mundo ng mga mayayaman. Kung paano dumanas ng kaapihan sa pangungutya ng mga mayayaman. Katulad ng batang inapi sa kwentong ito na duamanas ng kahirapan.
4.      Teoryang Pampanitikan
Ang teoryang akma dito ay Teoryang Markismo sapagkat ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pamapulitika.
Tulad ng kwentong ito,gumawa ng paraan ang batang babae upang maiwasan ang panunukso sa kanya ng mga kaklase .Siya ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase upang hindi na siya tuksuhin ng mga ito. Nagtagumpay namn siyang makuha ang respeto at tiwala ng kanyang mga ka-eskwela.


  
Pagsusuri
ng
Tula


Hiwaga ng Pag-ibig
Deserie L. Villaverde






SINURI NI:

Rhina B. Axalan
III-A3 Filipino



























I.              Pamagat ng Katha
Hiwaga ng Pag-ibig
Deserie L. Villaverde
II.            Buod
Nang siya ay mabuhay sa mundong ito, natuklasan niya ang hiwaga ng pag-ibig. Sa kanyang pamamalagi sa mundo ay marami siyang nakita pagdating sa pag-ibig.  May babaing walang pagsidlan sa tuwa na nadarama dulot ng pag-ibig. Mayroong lalaki naman na umiiyak dahil nasaktan sa pag-ibig. Kaya nasabi niya na napakahiwaga ng pag-ibig .Lahat ng sakit at saya ay madarama. Kaya ipinayo niya na kung magmamahal ay inagatan ang puso pagkat hindi laging saya ang nadarama kundi pati pagdurusa.
III.           Pagsusuri
a.    Uri ng Panitikan
Ito ay isang tulang pasalaysay sapagkat ang akda ay nagsasalaysay ng mga pangyayari     tungkol sa hiwaga ng pag-ibig.
b.    Istilo ng Paglalahad
Ang istilo ng paglalahad ay nasa daloy ng kaisipan. Naging masining ang paglalahad ng tula, gumamit ang akda ng sukat at tugmaan  upang mapagnada ang daloy ng kaisipan.
c.    Tayutay
Walang tayutay at mga idyomatikong pahayag sa tulang ito.  Naging simple lamang ang may akda sa pagsulat ng tulang ito.
d.    Sariling Reaksyon
1.    Pananalig Pampanitikan/ Teorya
Ang teoryang maaring gamitin sa tulang ito ay Romantisismo sapagkat mas namayani dito ang damdami at emosyon pagdating sa pag-ibig. Sa tulang ito, nakaranas ng saya at pagdurusa ang mga taong umiibig base s inilahad ng may –akda.

      Isang babae na animo’y walang pagsidlan
                                            Animo ay baliw kung siya ay pagmamasdan
                                               
                                             Meron namang lalaking umiiyak sa tabi
                                             Na kung titingnan ay wala sa kanyang sarili
                                            Iniwan siguro ngmagandng babae
                                             Na minahal nya ng higit pa s sarili
2.    Mga Pansin at Puna
a.    Tauhan
Nagampanan ng tauhan ang kanyang papel sa akda. Naipakita na naging mapagmasid siya kaya naipakita ang iba’t ibang hiwaga ng pag-ibig.
b.    Galaw ng Pangyayari
Napakabilis ng pangyayari sa tulang ito, dahil na rin sa kakulangan ng mga impormasyon na inilahad ng may akda. Kung tutuusin napakababaw lamang ng mensahe ng may akda sa tulang ito.

3.    Bisang pampanitikan
a.    Bisa sa Isip
Natanim sa aking isipan ang hiwaga ng pag-ibig. Ang kadalasang nangyayari kapag umiibig at nagmamahal. Makararanas ka ng sakit at ligaya kung totoo kang nagmamahal. Natanim rin sa isip ko na masarap magmahal subalit masakit masaktan.
b.    Bisa sa Damdamin
Habang binabasa ko ang tula, nakaramdam ako ng takot, takot sapagkat paano kung ako rin  ay masaktan.Kayanin ko rin kaya? Takot sapagkat nakita ko ang dulot ng pagkabigo sa pag-ibig subalit naramdaman ko ang unti-unting kasiyahan dahil alam napagtanto na ang pag-ibig ay masayang maramdamn lalo na kung minamahal kang tunay. Oo, masasaktan tayo subalit bahagi ito ng ating pagmamahal.
c.    Bisa sa Kaasalan
Ang pag-ibig ay hindi laging masaya lagi itong may kaakibat na pagdurusa. Kaya nag ang pag-ibig ay mahiwaga, dapat nating alamin ang tunay na nadarama bago pumasok sa isang relasyon. Isa pa sa dapat tandaan ay dapat mahalin mo ang iyong sarili bago ka magmahal ng sa ganoon kung sakaling ikaw ay masaktan, may matitira pang pagmamahal sa iyong pagkatao.
d.    Bisang Panlipunan
Kung mababasa ito ng maraming mambabasa lalo na ang mga may pinanghuhugutan sa pag-ibig siguradong may tatanim sa kanilang isipan. Matututo silang tanggapin ang katotohanan ng  pagkabigo at ang mga maaring maging dulot kung magmamahal. Dahil nga sadyang mahiwaga ang pag-ibig kaya di alam kung ano ang nais mangyari nito.




  

Pagsusuri
ng
Maikling Kwento

Huling Hikbi ng Kahapon
Ni Erica R. Calbayog



SINURI NI:
Rhina B. Axalan
     III-A3 Filipino































A.Pamagat ng katha
            Huling Hikbi ng Kahapon
May-akda
            Erica R. Calbayog
II. Buod
Ang pamilya ni Carmen ay dating masaya subalit sinubok ng problema. Ang ikinabubuhay nila ay pagtitinda sa palengke. Araw-araw ay nagtitinda ang kanyang nanay sa palengke kasama ang kanyang ate na asi Lita. Subalit dumating ang isang problema, humina ang kita nila sa palengke dahil bmaba ang halaga ng mga gulay. Habang kumakain sila, humingi ng pahintlot si Lita na mamasukan sa pabrika para may maidagdag sila sa gastusin. Tumutol ang ina dito subalit ang kanyang ama ay pumayag naman. Sa kalaunan ay pmayag na rin ang ina kahit labag sa kanyang kalooban. Naging mayos naman nag pagtatrabaho ni Lita, buwanan siyang nagpapadala ng pera sa mga magulang. Hanggang isang pangyayari ang di nila inaasahan, nasunog ang pabrika na pinagtatrabahuhan ni Lita. Kasama si Lita sa mga empleyado na hindi nakaligtas. Ito ang dahilan kung bakit nawala ang saya sa kanilang pamilya. Pinalayas ng ina ang kanyang asawa  sinisisi niya ito sa pagkawala ng anak, dahil pinayagan ng am na magtrabaho ang anak.  Naging magsusugal ang ina na siya mismo ang nagpangaral sa mga anak na huwag magsusugal. Isang araw, habang nasa sugalan ang ina, pinuntahan ni Carmen at sinabing umuwi na at mataas ang lagnat ng bunsong kaptid, subalit binigyan lamang ito ng pambili ng gamot. Ibinili naman ito ni Carmen. Gabi nang umuwi ang ina, sa pagkakataong ito, dito sinabi ni Carmen na malaki na ang pinagbago ng ina mula ng mamatay ang kapatid. Agad namang nagalit ang ina at sinabing huwag idadamay ang kapatid sa lahat ng nangyayari. Naiwang umiiyak si Carmen matapos pumasok sa kwarto ang ina.Nakatulog na si Carmen ng umiiyak at nagisingh na lamang siya sa yugyog ng ina, sabay sabing gising na at kakain na. Niyakap ni Carmen ang ina kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Humingi ng tawad ang ina sa nangyari na ipinagpasalamat naman ni Carmen sapagkat namiss nila ang dating ina.
III. Pagsusuri
A.    Uring Pampanitikan
Ito ay akdang pampanitikan na nabibilang sa maikling kwento. Mababasa ng isang upuan lamang at may pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
B.    Istilo ng Paglalahad
Ang may akda any gumamit ng istilo sa paglalahad sa paraang patumbalik. Sinimulan ang kawento sa kasalukuyang kaganapan hanggang sa pagkakaron ng patumbalik sa nakaraaang pangyayari.
C.   Mga Tayutay
  Naging payak ang paglalahad ng pangyayari. Kaya walang naging  tayutay at idyomatikong  pahayag sa akdang ito .
D.   Sariling Reaksyon
1.    Pananalig Pampanitikan/Teorya
 Ang akdang ito ay isang teoryang Romantisismo, sapagkat mas pinapahalagahan ang damdamin. Namayani pa rin ang pagmamahalan ng ng isang tunay na pmilya sa kabila ng pagsubok na dumaan sa kanilang buhay.
“ Pasensya ka na anak, hinding hindi na ako magsusgal. Sa inyo ko na lamang ilalaan ang oras ko. Babawi ako sa inyo, walang mangyayari kung hindi ko matatangap ang pagkawala ng kapatid nyo, paliwanag ng ina.”
2.    Mga Pansin at Puna
a.    Tauhan
Maayos ang pagkakaganap ng mga tauhan, nagampanan ng bawat tauhan ang kanilang papel sa kwento.
b.    Galaw  ng Pangyayari
Sa umpisa naging payak ang  galaw ng pangyayari, sunod sunod ang pangyayari kahit na nagpatumbalik ang may-akda. Kaya lamang bumilis ang pangyayari patungo sa wakas.
V. Bisang Pampanitikan
            A. Bisa sa Isip
Natanim sa aking isip na ang pamilya ay dapat maging matatag anuman ang hamon sa  buhay. Ang magulang ang siyang dapat magiging matatag  sapagkat sila ang lakas ng mga anak.
               B. Bisa sa Damdamin
  Magkahalong lungkot at saya ang aking naramdaman. Lungkot sapagkat sa pagkawala ng anak ay hindi naging matatag ang ina, naggpadala ito sa poot ng kanyang damdamin. Naklimutan niyang  mayroon pa siyang mga anak na a naghahnap din ng pagkalinga at pagmamahal. Saya naman sapagkat sa huli napagtanto ng ina naa walang mangyayari kung hindi nia tatanggapin ang pagkawala ng anak. Nagising sa katotohanan ang ina na mayroon pa siyang ibang anak na dapat paglaanan ng oras.
               C. Bisa sa Kaasalan
Ang hindi pagtanggap sa katotohanan ay walang mabuting patutunguhan. Matuto tayong tumanggap ng pagkabigo sa buhay. Lahat tayo ay dumaranas ng pagsubok subalit ang pagsubok na ito ang magpapatag sa atin. Huwag tayong padala sa bugso ng damdamin, lagi nating isaalang-alang ang mga taong maaektuhan kung tayo ay palulugmok sa pagsubok.
D.Bisang Panlipunan
Ang kwentong ito ay tungkol sa pamilya na dumaranas ng pagsubok, kung mababasa ito ng maraming mambabasa lalo na  ang may pamilyang tao, marami silang matututunan sa kwentong ito. Kung paano maging matatag  ang isang pamilya sa kabila ng pagsubok lalo na ang magulang. Kung mababasa nila ito, tiyak na alam na nila ang magiging epekto ng hindi pagtanggap sa katotohanan.
                    
  

Pagsusuri
ng
Maikling Kwento

Huling Hikbi ng Kahapon
Ni Erica R. Calbayog



SINURI NI:
Rhina B. Axalan
     III-A3 Filipino






















A.Pamagat ng katha
            Huling Hikbi ng Kahapon
May-akda
            Erica R. Calbayog
II. Buod
Ang pamilya ni Carmen ay dating masaya subalit sinubok ng problema. Ang ikinabubuhay nila ay pagtitinda sa palengke. Araw-araw ay nagtitinda ang kanyang nanay sa palengke kasama ang kanyang ate na asi Lita. Subalit dumating ang isang problema, humina ang kita nila sa palengke dahil bmaba ang halaga ng mga gulay. Habang kumakain sila, humingi ng pahintlot si Lita na mamasukan sa pabrika para may maidagdag sila sa gastusin. Tumutol ang ina dito subalit ang kanyang ama ay pumayag naman. Sa kalaunan ay pmayag na rin ang ina kahit labag sa kanyang kalooban. Naging mayos naman nag pagtatrabaho ni Lita, buwanan siyang nagpapadala ng pera sa mga magulang. Hanggang isang pangyayari ang di nila inaasahan, nasunog ang pabrika na pinagtatrabahuhan ni Lita. Kasama si Lita sa mga empleyado na hindi nakaligtas. Ito ang dahilan kung bakit nawala ang saya sa kanilang pamilya. Pinalayas ng ina ang kanyang asawa  sinisisi niya ito sa pagkawala ng anak, dahil pinayagan ng am na magtrabaho ang anak.  Naging magsusugal ang ina na siya mismo ang nagpangaral sa mga anak na huwag magsusugal. Isang araw, habang nasa sugalan ang ina, pinuntahan ni Carmen at sinabing umuwi na at mataas ang lagnat ng bunsong kaptid, subalit binigyan lamang ito ng pambili ng gamot. Ibinili naman ito ni Carmen. Gabi nang umuwi ang ina, sa pagkakataong ito, dito sinabi ni Carmen na malaki na ang pinagbago ng ina mula ng mamatay ang kapatid. Agad namang nagalit ang ina at sinabing huwag idadamay ang kapatid sa lahat ng nangyayari. Naiwang umiiyak si Carmen matapos pumasok sa kwarto ang ina.Nakatulog na si Carmen ng umiiyak at nagisingh na lamang siya sa yugyog ng ina, sabay sabing gising na at kakain na. Niyakap ni Carmen ang ina kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Humingi ng tawad ang ina sa nangyari na ipinagpasalamat naman ni Carmen sapagkat namiss nila ang dating ina.
III. Pagsusuri
A.    Uring Pampanitikan
Ito ay akdang pampanitikan na nabibilang sa maikling kwento. Mababasa ng isang upuan lamang at may pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
B.    Istilo ng Paglalahad
Ang may akda any gumamit ng istilo sa paglalahad sa paraang patumbalik. Sinimulan ang kawento sa kasalukuyang kaganapan hanggang sa pagkakaron ng patumbalik sa nakaraaang pangyayari.
C.   Mga Tayutay
  Naging payak ang paglalahad ng pangyayari. Kaya walang naging  tayutay at idyomatikong  pahayag sa akdang ito .
D.   Sariling Reaksyon
1.    Pananalig Pampanitikan/Teorya
 Ang akdang ito ay isang teoryang Romantisismo, sapagkat mas pinapahalagahan ang damdamin. Namayani pa rin ang pagmamahalan ng ng isang tunay na pmilya sa kabila ng pagsubok na dumaan sa kanilang buhay.
“ Pasensya ka na anak, hinding hindi na ako magsusgal. Sa inyo ko na lamang ilalaan ang oras ko. Babawi ako sa inyo, walang mangyayari kung hindi ko matatangap ang pagkawala ng kapatid nyo, paliwanag ng ina.”
2.    Mga Pansin at Puna
a.    Tauhan
Maayos ang pagkakaganap ng mga tauhan, nagampanan ng bawat tauhan ang kanilang papel sa kwento.
b.    Galaw  ng Pangyayari
Sa umpisa naging payak ang  galaw ng pangyayari, sunod sunod ang pangyayari kahit na nagpatumbalik ang may-akda. Kaya lamang bumilis ang pangyayari patungo sa wakas.
V. Bisang Pampanitikan
            A. Bisa sa Isip
Natanim sa aking isip na ang pamilya ay dapat maging matatag anuman ang hamon sa  buhay. Ang magulang ang siyang dapat magiging matatag  sapagkat sila ang lakas ng mga anak.
               B. Bisa sa Damdamin
  Magkahalong lungkot at saya ang aking naramdaman. Lungkot sapagkat sa pagkawala ng anak ay hindi naging matatag ang ina, naggpadala ito sa poot ng kanyang damdamin. Naklimutan niyang  mayroon pa siyang mga anak na a naghahnap din ng pagkalinga at pagmamahal. Saya naman sapagkat sa huli napagtanto ng ina naa walang mangyayari kung hindi nia tatanggapin ang pagkawala ng anak. Nagising sa katotohanan ang ina na mayroon pa siyang ibang anak na dapat paglaanan ng oras.
               C. Bisa sa Kaasalan
Ang hindi pagtanggap sa katotohanan ay walang mabuting patutunguhan. Matuto tayong tumanggap ng pagkabigo sa buhay. Lahat tayo ay dumaranas ng pagsubok subalit ang pagsubok na ito ang magpapatag sa atin. Huwag tayong padala sa bugso ng damdamin, lagi nating isaalang-alang ang mga taong maaektuhan kung tayo ay palulugmok sa pagsubok.
D.Bisang Panlipunan
Ang kwentong ito ay tungkol sa pamilya na dumaranas ng pagsubok, kung mababasa ito ng maraming mambabasa lalo na  ang may pamilyang tao, marami silang matututunan sa kwentong ito. Kung paano maging matatag  ang isang pamilya sa kabila ng pagsubok lalo na ang magulang. Kung mababasa nila ito, tiyak na alam na nila ang magiging epekto ng hindi pagtanggap sa katotohanan.