Anim na Sabado ng Beyblade
Ferdimand Pisigan Jarin

Si
Ferdinand Pisigan Jarin ay isang manunulat, musikero at guro. Dating literary
editor ng “ The Touch Publication at Aklas Literary Folio ng PNU. Nagtapos siya
ng BSE Social Science sa Philippine Normal University- Manila. Awtor ng
pambatang libro “ Si Lorkan, Matulunging Butanding “ng 2002 UNICEF/ Tahanan
Publishing at naging script contributor sa pambatang programang Batibot at Koko
Kwik Kwak. Madalas ding , mailimbag ang kanyang mga akda sa ANI, ang Literary
Folio ng Cultural Center of the Philippines, (CCP).
Tatlong
ulit na siyang nagawaran ng Don Carlos
Memorial Award For Literature para sa Dulang may Isang Yugto ( Sardinas 2001),
mailking kwento( Anim na Sabado ng Beyblade 2005) at Sanayasay( D’ Pol Pisigan
band , 2010).
Kasalukuyan
siyang guro ng Agham Panlipunan at Filipino, Kasapi ng The Writters Block,
KATAGA at Neo- Angono Artist Collective.
Siya ay nakatira sa Cembo, Makati at
napatira na rin sa maraming paupahang Bahay sa iba’t ibang lungsod ng Maynila.
Ang kwento at sanaysay ni Jarin ay nagsimula noong bata siya
kung saan ikinuwento niya ang kanyang buhay sa kanilang probinsya sa Zambales,
QUINABUANGAN. Ang paghangad niya na makasali bilang pinakamaliit na miyembro ng
D’ POL PISIGAN BAND na binuong banda ng kanyang lolo. Ang kabataan niya biolang
PULOT BOY ng isang marangyang club. Maging ang mga naging karanasan niya
sa KUMBENTO ay kanyang naisalaysay. Ang pagiging SERVICE CREW niya sa isang
fast food sa bansa na mula umaga ay pagtungga nan g Michael Jordan at Olajuwon
ang kanilang agahan. Ang BACLARAN na kanyang naging tirahan pagwalang
mauuwian. Pinakahuli ay ang ANIM NA SA BABADO NG BEYBLADE na kung saan
ipinakita dito kung paano nakipaglaban ang kanyang anak sa sakit nito.
Mababasa
natin ang mga listahan ng mga rambol na kanyang napasukan at mga napatumba sa
inuman. Hindi lang ito puro bakbakan maging ang mga kalokohan niya sa larangan
ng pagibig ay nakalista rin ditto. Dito din nakalista ang mga pangalan ng ex-
girlfriends at ibat ibang bigpong first loves. Hindi lang din puro pansarili
ang kanyang naisulat, nakalista rin ditto kung paano nilabanan ng kanyang anak
ang sakit nito.
Sa
mga akda ni Jarin, ang bida ay karaniwan. Karaniwang tao, karaniwang pamumuhay
at iba pang karaniwang karanasan. Ang mga salita ay ating maiintindihan di
ganun kalalim ang mga ginamit na salita. Kung ating iintindihin ang kanyang mga
akda makikita dito na si Jarin ay isang pangkaraniwang tao lamang kaya tiyak na
ito’y kunektado sa ating pangaraw araw na pamumuhay. Marami ring mapupulot na
aral.
Hindi
lang ito basta karaniwan, ito’y karaniwan at may sining. Hindi lang siya
magaling magsulat kundi napakamalikhain din ng kanyang mga kwento at sanaysay. Ang mga lugar,
pagkatao mga kilos at maging ang mga pangyayari ay napakalinaw sa ating
imahinasyon. Kaya niya ring patawanin at paiyakin nang sabay ang kanyang
mambabasa. Kaya tiyak na tayo’y tatawa at iiyak dahil ito’y sumasalamin sa
pamumuhay ng mga Pilipino.
Anim
na Sabado ng Beyblade
Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin
naniyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.Nangumbida ako ng maraming
tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy
Birthday,Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito.Dapat
pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming-maraming laruan.
Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote
ControlledCars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyangBeyblade.
Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba
sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo.
Kahit hindi pa araw.
Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman
siya. Pagkatapos ay muling naglarong beyblade kasama ang mga pinsan.
Tatlong araw bago dumating ang ikatlong
Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na
siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya
itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya‟y bulsa. Ang nakapagngangalit,
unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin
niyang maging malakas bagamat talagang dina kaya ng kaniyang paang tumayo ng
kahit ilang sandali man lang. Nakadudukotna rin siya ng mga matitigas na butil
ng dugo sa loob ng kaniyang gilagid.
Sa labas ng bahay na kanilang
tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanunginniya ako ng; “Tay, may peya a?”
(Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot atbinuksan ang aking pitaka at
ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na
sinagot naman niya ng agarang pagturo saisang kalapit na tindahan. Kung mabilis
man akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at
nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang
kami’y pumasokna sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit
di nagalaw namga kendi sa aming kinaupuan.
Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng
ikatlong Sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling
pagkairita, sinabunutan niya angkanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga
buhok. Nang araw na iyon,kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang
mascot upang bigyan ngpribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos
ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita
sa kaniyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.
Di na maikakaila ang mabilis na
pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapitng ikaapat na Sabado. Di na niya
makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod
at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang
karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Angmga maliliit na helicopter na
tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay nabakal. At sa tuwing tataas,
hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot nangingitian. Pagkababa, mabilis
na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na
tumingin sa kawalan.
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang
Sabado. Eksaktong katapusan.Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang
aking anak. Ilang sandal matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga
mata at pagtirik ng mata,ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya
habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di
na kami nakapag-usap pa dahi lpagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na
niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit
sino.
“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon.
Mahal ka namin. Paalam.”
Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo
sa ospital. Huling Sabado namasisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang
beyblade at ang may-ari nito.Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong.
Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap.
Payapang magpapaikot at iikot.
Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming
mga naiwan ay paglalabanan at pagaaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
Anim na Sabado ng Beyblade
Ferdinand Pisigan Jarin
A. Pamagat
Ang maikling kuwentong pinamgatang “ Anim na
Sabado ng Beyblade” ay sumasalamin sa pagiging isang bata. Ito ang pamagat sapagkat mahilig itong laruin
ng batang si Rebo. Ito ang tanging nagpapagaan ng pakiramdam niya sa kabila ng
sakit na kanyang dinaranas. Dahil sa kanyang karamdaman ang ang ikaanim na
sabado mula sa taning ng kanyang buhay ay huling sabado na kung saaan ay wala
ng Rebong maglalaro ng isang beyblade.
B.
Paksa
Ang paksa ng kwentong ito ay tungkol sa isang
batang maysakit na si Rebo at kung paano niya dinanasa ang hirap at sakit hanggang sa huling sabado ng kanyang
buhay.
C.
Tagpuan / Tauhan
Tagpuan – Sa bahay nina Rebo
Tauhan
Rebo – Isang batang dumanas ng sakit
hanggang sa mamatay
Ama – (Ferdinand Pisigan Jarin) ama ni
Rebo na nag-alaga hangang sa huling hininga nito.
D.
Banghay
1.
Panimula
Unang
sabado mula sa pagkakaroon ng sakit ni Rebo ay nagdiwang siya ng kanyang
kaarawan kahit pa totoong kaarawan nito. Nangumbida ng maraming bisita ang
kanyang ama. Pinagdala ng ama ang mga bisita ng regalong mga laruan at huwag
kakalimutan ang laruang beyblade.
2.
Saglit na Kakintalan
Tatlong
araw bago sumapit ang ikatlong sabado,
unti –unti na siyang nanghihina, bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya
magawang makapaglaro ng beyblade. Sa kabila ng lahat ay pilit pa ring lumalaban
si Rebo. Hanggang sa naglambing ang kaniyang anak at tinanong siya kung may
pera ito. At ipinakita ng ama na may laman ang wallet nito , agad niyang
tinanong kung ano ang gusto nito. Sabay
turo ng bata sa isang kalapit na tindahan at pinabibili ito ng kendi.
Napakabilis niyang bumili at bumalik buhat sa tindahan sa kagustuhang maibigay
ang hiling ng anak. Subalit pumasok sila sa tahanan ng naiwang nilalanggam at
nabuksan ang kendi.
3.
Tunggalian
Ang
tunggalian sa kuwento ay tao laban sa sarili
sapagkat dumanas ang bata ng kanyang sariling hamon ng pakikilaban sa
sarili. Patuloy niyang ipinaglalaban ang sarili sa kabila ng sakit na kanyang
nararanasan upang mabuhay.
4.
Kasukdulan
Tuluyan ng nakalbo si Rebo pagsapit ng ikatlong Sabado.
Subalit di kusang nalagas ang mga buhok nito dahil sa kanyang pagkairita ,sinabunutan
niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na
iyon, kinumbida ng kasamahan ng ama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan
ngpribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat
di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan.
Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.
Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi
ng lakas ni Rebo ,pagsapitng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok
ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang
pagsasalita. Kaya ng dinala siya sa isang isang karnabal, isa lamang ang ninais
niyang sakyan. Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila
oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ang ama ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian.
Pagkababa nito ay mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga nang
humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.
5.
Wakas
Sa huling
Sabado ng Pebrero, Ikalimang Sabado ,eksaktong katapusan ay pumanaw na si Rebo.
Kasabay ng pagluha ng kaniyang mga mata at pagtirik ng mata ay ang pagbuga ng
kanyang huling hininga. Namatay ito habang tangan ng ama sa kanyang bisig.
Hinintay lamang ni Rebo na dumating ang kanyang ama bago ito lagutan ng
hininga. Di na man lamang sila nakapag-uasap sapagkat pagdating ng ama ay
pinakwalan na nito ang sunod-sunod na palahaw ng tindi ng sakit.
Sa
ikaanim na Sabado, ang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na
masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari
nito.Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa
lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at
iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang ang mga naiwan ay paglalabanan at pagaaralang tanggapin
ang kirot ng pagkalungkot.
E.
Wika
Matatalinhagang
Pananalita
|
Kahulugan
|
Kirot
|
Ito ay pakiramdam na masakit
|
Nakahimlay
|
Natutulog
|
Nakapagngagalit
|
Nakakagalit
|
Palahaw
|
Sigaw
|
F.
Simbolismo

Ang
beyblade ay isang mahalagang bagay na
ginamit sa akda na kung saan ito ay sumisimbolo sa pagiging bata. Ito
ang naging simbolo na mapagkakakilanlan sa batang si Rebo na kung saan ito ang
laging magpapaalala sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.
G.
Mga Bisa
1.
Bisang Pangkaisipan
Natanim
sa aking isipan ang halaga ng buhay at kung paano kayaning harapin ang bawat
hamon at pagsubok ng kapalaran. Napagtanto ko na hanggat tayo ay nabubuhay sa
mundong ito, ipagkaloob natin sa ating mga mahal sa buhay ang wagas na
pagpapahalaga at pagmamahal sa kanila. Naiwan sa aking isipan na lahat tayo ay
mawawala sa mundong ibabaw na kailangan nating tanggapin sa buhay.
2.
Bisang pandamdamin
Nalungkot ako para kay Rebo sapagkat
sa murang edad niya ay nilisan na niya ang buhay sa mundong ibabaw na kung saan
ay isang batang masayang naglalaro kasama ang ibang bata. Nakakaiyak sapagkat dinanas ni Rebo ang
ganoong pagsubok sa buhay sa murang edad pa lamang . Mahirap talagang mawalan
ng mahal sa buhay kaya para sa ama ni Rebo masakit iyon. Mahirap matanggap
sapagkat lagi mong maalala ang lahat, ang panahong kayo ay magkasama.
H.
Reaksyon
Habang binabasa ko ang kwentong ito, tumutulo
talaga ang aking mga luha. Naantig ang aking puso sa dinanas na pagsubok ni
Rebo dala ng kanyang sakit. Nakakaiyak talaga kasi akala ko mabubuhay si Rebo
subalit hindi pala. Huling Sabado na pala iyon ng paglalaro niya ng beyblade.
Humanga ako sa tatag at pagmamhal ng kanyang ama kay Rebo sapagkat sa kabila ng
lahat hindi niya iniwan ang anak na harapin ang sakit na kanyang pinagdadanan.
Lahat ay ginawa ng ama upang maging masaya ang kanyang anak hanggang sa huling
hininga ni Rebo. Lalo akong naiyak nang sabihin ng ama na payapa ng nakahimlay
si Rebo sa kabaong at masayang naglalaro na walang dinaranas na hirap habang
siya ay maiiwang pinaglalalabanan na tanggapin ang kirot at pagkalungkot ng
pagkawala nito. Isang katotohanan ito na kung saan ay talagang nararanasan ng
mga taong naiiwan ng mga mahal sa buhay. Mahirap tanggapin, masakit, mahirap
makalimot pero kailangan nating maging matatag na harapin at tanggapin ang katotohanan.
Kailangan nating harapin ang bagong bukas at kalimutan ang pait ng kahapon ng
hindi tayo malugmok sa hirap na pinagdaanan.
Isang paghanga rin ang aking ipinaabot sa may akda
nito na si G. Ferdinand Pisigan Jarin, nakakaantig talaga ng puso lalo na at
ito ay totoong kwento ng buhay ng kanyang anak. Marami ang makakareleyt sa
kwentong ito sapagkat sa totoong realidad ng buhay ay dumaranas tayo ng mga
ganitong pagsubok na kahit masakit ay kailangang tanggapin at muling bumangon
para sa isang magandang bukas na naghihintay.
Axalan, Rhina B.
PAGSUSURI
NG MAIKLING KWENTO
Sandaang
Damit
ni Fanny A. Garcia
Sinuri ni:
Axalan,
Rhina B.
111-A3
Pamagat
ng Akda: Sandaang
Damit
May
Akda: Fanny
A.Garcia
Si Fanny A. Garcia ay ipinanganak noong Pebrero 26, 1949
sa Malabon, Rizal na sa kasalukuyan ay Malabon City na. Isa siyang guro,
manunulat, mananaliksik, editor, at tagapag- salin. Nagtapos ng Bachelor of
Science sa edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakamit din niya ang kanyang
Master of Arts at Ph.D.sa Filipino sa Malikhaing Pagsulat sa nasabing
pamantasan..
Gawad-Chancellor Awardee
bilang pinakamahusay mag-aaral sa Ph.D. sa Malikhaing Pagsulat. Siya rin ang
kauna-unahang nagtapos sa programang Malikhaing Pagsulat sa antas masterado at
doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Scriptwriter ng pelikulang ”Saan
Darating Ang Umaga?” (Viva Films, Inc., 1983) na nominado sa kategoryang Best
Story at Best Screenplay. Nalathala ang dulang pampelikula nito sa "Apat
na Screenplay" na kaniyang inedit kasama si Armando Lao, kapwa premyadong
mandudula sa pinilakang tabing. Premyadong manunulat din siya sa Carlos
Memorial Palanca Awards para sa mga kategoryang maikling kuwento, sanaysay,
iskrip, at kuwentong pambata. Nakapaglathala na siya ng anim na libro: Sandaang Damit at Iba Pang Maikling Kuwento (1994);
Apartment 3-A Mariposa St. (1994); Pitong Teleplay (1995), co-editor; Apat na
Screenplay (1997), co-editor; Erik Slumbook Paglalakbay Kasama Ang Anak Kong
Austistic (2004), Family Album (2005). Kasama rin siya sa mga manunulat na nasa
CCP Encyclopedia of Philippine Art, VolumeIX, Literature at kasalukuyang
nagtuturo sa Pamantasang De La Salle. Naglilingkod din siya bilang Tagapangulo
ng Departamento ng Filipino sa nasabing unibersidad.
Pinakatagumpay niya sa
pagsusulat ang magwagi ng National Book Award para sa Autobiography ng Manila
Crtics' Circle para sa librong "Erick Slumbook".
Mga Tauhan:
Batang Babae: isang
mahirap na bata, inaapi at sinungaling
Ina ng Batang Babae: mapagmahal na ina, positibo para sa anak
Mga kaklase ng batang
Babae: mga nang-aapi sa bata
Buod/ Lagom:
May isang batang mahirap na tahimik lang palagi sa kanyang
klase. Ang kanyang damit ay luma na at tinapay lamang ang kanyang baon palagi.
At ang mga bagay na ito ang dahilan kung bagit siya inaasar ng kanyang mga
kaklase. At naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanilang pamilya. At isang araw
biglang nagkatinig ang bata, nagmamalaking sinabi na mayroon siyang isandaang
damit. Ikinuwento niya sa kanila ang bawat detalye ng kanyang damit. At simula
noon ay naging malapit na siya sa kanyang mga kaklase.
Ngunit nang magsimulang lumiban sa klase ang bata, nagtaka ang kanyang mga guro at ka-eskwela kaya napagdesisyunan nilang puntahan ang bata sa kanilang tahanan. At nakita nila ang sira-sirang bahay ng bata, ngunit hindi siya ang kaagad nilang hinanap kundi ang sandaang damit ng bata, at nakita nila itong nakadikit sa dinding, isandaang damit na pawing mga drowing lamang
Pagsusuri:
Ngunit nang magsimulang lumiban sa klase ang bata, nagtaka ang kanyang mga guro at ka-eskwela kaya napagdesisyunan nilang puntahan ang bata sa kanilang tahanan. At nakita nila ang sira-sirang bahay ng bata, ngunit hindi siya ang kaagad nilang hinanap kundi ang sandaang damit ng bata, at nakita nila itong nakadikit sa dinding, isandaang damit na pawing mga drowing lamang
Pagsusuri:
1.
Panahong Kinabibilangan
Ang kwentong ito ay nasulat
sa panahong Kasalukuyan.
2.
Sariling Puna
Sa totoo lamang
napakaganda ng pagkakasulat ng may akda sa kwentong ito. Masasalamin ang
katotohanang nagyayari sa buhay. Napakaganda ng istilo ng may akda, ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at kaganapan sa kwento. Kaya masasabi ko
sa aking pagsusuri ay wala akong puna na masama sa akdang ito.Hindi
nakapagtataka kung bakit ang akdang ito ay ginawaran ng parangal.
3.
Bisa
a. Bisang Pangkaisipan
Natanim sa isipan ko ang
tungkol sa katayuan ng isang mahirap sa mundo ng mga mayayaman. Kung paano
apihin ang mga batang hindi kayang suportahan ng mga magulang ang pangangailan
g anak. Gayundin kung bakit ang mga mahihirap ay nasasakdal sa kasamaan at
natututong gumawa ng mali sa buhay.
b. Bisang Pandamdamin
Nalulungkot ako sapagkat napakasakit
isipan na ang mga mahihirap ay inaapi sa kabila ng kanilang nararanasan.Naaawa
ako sa kalagayan ng bata sapagkat sa murang edad ay nararanasan niya ang
kaapihan sa buhay. Hindi ako makaramdam ng galit sa batang inapi kahit na siya
ay nagsinungaling na mayroong saandaang
damit. Hindi ko siya masisisi sapagkat ginawa lamang niya iyon upang matigil na
ang pang-aapi sa kanya. Mas nagagalit ako sa batang na kanyang kakalse sapagkat
sa halip na tulungan ay inaapi pa nila.
c. Bisang Pangkaasalan
Anumang hirap ang danasin
sa buhay ay manatiling malinis ang kalooban.Ang kahirapan ay hindi dapat maging
hadlang upang gumawa ng kasamaan. Kahit na mahirap ang isang tao kung may
dangal naman at malinis ang kalooban, ito ang yaman na hindi makukuha
ninuman.Sa ginawa ng bata ay nakuha niyang magsinungaling sapagkat dinaranas
niya ang kaapihan upang malampasan lamang ang dulot ng kahirapan.
d. Bisang Panlipunan
Kung mababasa ito ng
nakararami, mauunawaan ng mga mambabasa ang kalagayan ng mga mahihirap sa mundo
ng mga mayayaman. Kung paano dumanas ng kaapihan sa pangungutya ng mga
mayayaman. Katulad ng batang inapi sa kwentong ito na duamanas ng kahirapan.
4.
Teoryang Pampanitikan
Ang teoryang akma dito ay
Teoryang Markismo sapagkat ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao ay
may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng
pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pamapulitika.
Tulad ng kwentong
ito,gumawa ng paraan ang batang babae upang maiwasan ang panunukso sa kanya ng
mga kaklase .Siya ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase upang hindi na siya
tuksuhin ng mga ito. Nagtagumpay namn siyang makuha ang respeto at tiwala ng
kanyang mga ka-eskwela.
Pagsusuri
ng
Tula
Hiwaga ng Pag-ibig
Deserie L. Villaverde
SINURI
NI:
Rhina B. Axalan
III-A3 Filipino
I.
Pamagat ng Katha
Hiwaga ng Pag-ibig
Deserie L. Villaverde
II.
Buod
Nang siya ay mabuhay sa
mundong ito, natuklasan niya ang hiwaga ng pag-ibig. Sa kanyang pamamalagi sa
mundo ay marami siyang nakita pagdating sa pag-ibig. May babaing walang pagsidlan sa tuwa na
nadarama dulot ng pag-ibig. Mayroong lalaki naman na umiiyak dahil nasaktan sa
pag-ibig. Kaya nasabi niya na napakahiwaga ng pag-ibig .Lahat ng sakit at saya
ay madarama. Kaya ipinayo niya na kung magmamahal ay inagatan ang puso pagkat
hindi laging saya ang nadarama kundi pati pagdurusa.
III.
Pagsusuri
a. Uri ng
Panitikan
Ito ay isang tulang pasalaysay
sapagkat ang akda ay nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa hiwaga ng pag-ibig.
b. Istilo
ng Paglalahad
Ang istilo ng paglalahad ay
nasa daloy ng kaisipan. Naging masining ang paglalahad ng tula, gumamit ang
akda ng sukat at tugmaan upang mapagnada
ang daloy ng kaisipan.
c. Tayutay
Walang tayutay at mga
idyomatikong pahayag sa tulang ito.
Naging simple lamang ang may akda sa pagsulat ng tulang ito.
d. Sariling
Reaksyon
1. Pananalig
Pampanitikan/ Teorya
Ang teoryang maaring gamitin
sa tulang ito ay Romantisismo sapagkat mas namayani dito ang damdami at emosyon
pagdating sa pag-ibig. Sa tulang ito, nakaranas ng saya at pagdurusa ang mga
taong umiibig base s inilahad ng may –akda.
Isang
babae na animo’y walang pagsidlan
Animo ay baliw kung siya ay pagmamasdan
Meron namang lalaking umiiyak sa tabi
Na
kung titingnan ay wala sa kanyang sarili
Iniwan
siguro ngmagandng babae
Na
minahal nya ng higit pa s sarili
2. Mga
Pansin at Puna
a. Tauhan
Nagampanan ng tauhan ang
kanyang papel sa akda. Naipakita na naging mapagmasid siya kaya naipakita ang
iba’t ibang hiwaga ng pag-ibig.
b. Galaw ng
Pangyayari
Napakabilis ng pangyayari sa
tulang ito, dahil na rin sa kakulangan ng mga impormasyon na inilahad ng may
akda. Kung tutuusin napakababaw lamang ng mensahe ng may akda sa tulang ito.
3. Bisang
pampanitikan
a. Bisa
sa Isip
Natanim sa aking isipan ang
hiwaga ng pag-ibig. Ang kadalasang nangyayari kapag umiibig at nagmamahal.
Makararanas ka ng sakit at ligaya kung totoo kang nagmamahal. Natanim rin sa
isip ko na masarap magmahal subalit masakit masaktan.
b. Bisa
sa Damdamin
Habang binabasa ko ang tula,
nakaramdam ako ng takot, takot sapagkat paano kung ako rin ay masaktan.Kayanin ko rin kaya? Takot
sapagkat nakita ko ang dulot ng pagkabigo sa pag-ibig subalit naramdaman ko ang
unti-unting kasiyahan dahil alam napagtanto na ang pag-ibig ay masayang
maramdamn lalo na kung minamahal kang tunay. Oo, masasaktan tayo subalit bahagi
ito ng ating pagmamahal.
c. Bisa
sa Kaasalan
Ang pag-ibig ay hindi laging
masaya lagi itong may kaakibat na pagdurusa. Kaya nag ang pag-ibig ay mahiwaga,
dapat nating alamin ang tunay na nadarama bago pumasok sa isang relasyon. Isa
pa sa dapat tandaan ay dapat mahalin mo ang iyong sarili bago ka magmahal ng sa
ganoon kung sakaling ikaw ay masaktan, may matitira pang pagmamahal sa iyong
pagkatao.
d. Bisang
Panlipunan
Kung mababasa ito ng maraming
mambabasa lalo na ang mga may pinanghuhugutan sa pag-ibig siguradong may
tatanim sa kanilang isipan. Matututo silang tanggapin ang katotohanan ng pagkabigo at ang mga maaring maging dulot
kung magmamahal. Dahil nga sadyang mahiwaga ang pag-ibig kaya di alam kung ano
ang nais mangyari nito.
Pagsusuri
ng
Maikling Kwento
Huling Hikbi ng Kahapon
Ni Erica R. Calbayog
SINURI
NI:
Rhina B. Axalan
III-A3 Filipino
A.Pamagat ng katha
Huling
Hikbi ng Kahapon
May-akda
Erica
R. Calbayog
II. Buod
Ang pamilya ni Carmen ay dating masaya
subalit sinubok ng problema. Ang ikinabubuhay nila ay pagtitinda sa palengke.
Araw-araw ay nagtitinda ang kanyang nanay sa palengke kasama ang kanyang ate na
asi Lita. Subalit dumating ang isang problema, humina ang kita nila sa palengke
dahil bmaba ang halaga ng mga gulay. Habang kumakain sila, humingi ng pahintlot
si Lita na mamasukan sa pabrika para may maidagdag sila sa gastusin. Tumutol
ang ina dito subalit ang kanyang ama ay pumayag naman. Sa kalaunan ay pmayag na
rin ang ina kahit labag sa kanyang kalooban. Naging mayos naman nag
pagtatrabaho ni Lita, buwanan siyang nagpapadala ng pera sa mga magulang.
Hanggang isang pangyayari ang di nila inaasahan, nasunog ang pabrika na
pinagtatrabahuhan ni Lita. Kasama si Lita sa mga empleyado na hindi nakaligtas.
Ito ang dahilan kung bakit nawala ang saya sa kanilang pamilya. Pinalayas ng
ina ang kanyang asawa sinisisi niya ito
sa pagkawala ng anak, dahil pinayagan ng am na magtrabaho ang anak. Naging magsusugal ang ina na siya mismo ang
nagpangaral sa mga anak na huwag magsusugal. Isang araw, habang nasa sugalan
ang ina, pinuntahan ni Carmen at sinabing umuwi na at mataas ang lagnat ng bunsong
kaptid, subalit binigyan lamang ito ng pambili ng gamot. Ibinili naman ito ni
Carmen. Gabi nang umuwi ang ina, sa pagkakataong ito, dito sinabi ni Carmen na
malaki na ang pinagbago ng ina mula ng mamatay ang kapatid. Agad namang nagalit
ang ina at sinabing huwag idadamay ang kapatid sa lahat ng nangyayari. Naiwang
umiiyak si Carmen matapos pumasok sa kwarto ang ina.Nakatulog na si Carmen ng
umiiyak at nagisingh na lamang siya sa yugyog ng ina, sabay sabing gising na at
kakain na. Niyakap ni Carmen ang ina kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.
Humingi ng tawad ang ina sa nangyari na ipinagpasalamat naman ni Carmen
sapagkat namiss nila ang dating ina.
III. Pagsusuri
A.
Uring
Pampanitikan
Ito ay akdang pampanitikan na nabibilang
sa maikling kwento. Mababasa ng isang upuan lamang at may pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
B.
Istilo
ng Paglalahad
Ang may akda any gumamit ng istilo sa
paglalahad sa paraang patumbalik. Sinimulan ang kawento sa kasalukuyang
kaganapan hanggang sa pagkakaron ng patumbalik sa nakaraaang pangyayari.
C.
Mga
Tayutay
Naging
payak ang paglalahad ng pangyayari. Kaya walang naging tayutay at idyomatikong pahayag sa akdang ito .
D.
Sariling
Reaksyon
1.
Pananalig
Pampanitikan/Teorya
Ang akdang ito ay isang teoryang Romantisismo,
sapagkat mas pinapahalagahan ang damdamin. Namayani pa rin ang pagmamahalan ng
ng isang tunay na pmilya sa kabila ng pagsubok na dumaan sa kanilang buhay.
“
Pasensya ka na anak, hinding hindi na ako magsusgal. Sa inyo ko na lamang
ilalaan ang oras ko. Babawi ako sa inyo, walang mangyayari kung hindi ko
matatangap ang pagkawala ng kapatid nyo, paliwanag ng ina.”
2.
Mga
Pansin at Puna
a.
Tauhan
Maayos
ang pagkakaganap ng mga tauhan, nagampanan ng bawat tauhan ang kanilang papel
sa kwento.
b.
Galaw ng Pangyayari
Sa
umpisa naging payak ang galaw ng
pangyayari, sunod sunod ang pangyayari kahit na nagpatumbalik ang may-akda.
Kaya lamang bumilis ang pangyayari patungo sa wakas.
V. Bisang Pampanitikan
A.
Bisa sa Isip
Natanim sa aking
isip na ang pamilya ay dapat maging matatag anuman ang hamon sa buhay. Ang magulang ang siyang dapat magiging
matatag sapagkat sila ang lakas ng mga
anak.
B. Bisa sa Damdamin
Magkahalong lungkot at saya ang aking
naramdaman. Lungkot sapagkat sa pagkawala ng anak ay hindi naging matatag ang
ina, naggpadala ito sa poot ng kanyang damdamin. Naklimutan niyang mayroon pa siyang mga anak na a naghahnap din
ng pagkalinga at pagmamahal. Saya naman sapagkat sa huli napagtanto ng ina naa
walang mangyayari kung hindi nia tatanggapin ang pagkawala ng anak. Nagising sa
katotohanan ang ina na mayroon pa siyang ibang anak na dapat paglaanan ng oras.
C. Bisa sa Kaasalan
Ang hindi
pagtanggap sa katotohanan ay walang mabuting patutunguhan. Matuto tayong tumanggap
ng pagkabigo sa buhay. Lahat tayo ay dumaranas ng pagsubok subalit ang pagsubok
na ito ang magpapatag sa atin. Huwag tayong padala sa bugso ng damdamin, lagi
nating isaalang-alang ang mga taong maaektuhan kung tayo ay palulugmok sa
pagsubok.
D.Bisang Panlipunan
Ang kwentong ito
ay tungkol sa pamilya na dumaranas ng pagsubok, kung mababasa ito ng maraming
mambabasa lalo na ang may pamilyang tao,
marami silang matututunan sa kwentong ito. Kung paano maging matatag ang isang pamilya sa kabila ng pagsubok lalo
na ang magulang. Kung mababasa nila ito, tiyak na alam na nila ang magiging
epekto ng hindi pagtanggap sa katotohanan.
Pagsusuri
ng
Maikling Kwento
Huling Hikbi ng Kahapon
Ni Erica R. Calbayog
SINURI
NI:
Rhina B. Axalan
III-A3 Filipino
A.Pamagat ng katha
Huling
Hikbi ng Kahapon
May-akda
Erica
R. Calbayog
II. Buod
Ang pamilya ni Carmen ay dating masaya
subalit sinubok ng problema. Ang ikinabubuhay nila ay pagtitinda sa palengke.
Araw-araw ay nagtitinda ang kanyang nanay sa palengke kasama ang kanyang ate na
asi Lita. Subalit dumating ang isang problema, humina ang kita nila sa palengke
dahil bmaba ang halaga ng mga gulay. Habang kumakain sila, humingi ng pahintlot
si Lita na mamasukan sa pabrika para may maidagdag sila sa gastusin. Tumutol
ang ina dito subalit ang kanyang ama ay pumayag naman. Sa kalaunan ay pmayag na
rin ang ina kahit labag sa kanyang kalooban. Naging mayos naman nag
pagtatrabaho ni Lita, buwanan siyang nagpapadala ng pera sa mga magulang.
Hanggang isang pangyayari ang di nila inaasahan, nasunog ang pabrika na
pinagtatrabahuhan ni Lita. Kasama si Lita sa mga empleyado na hindi nakaligtas.
Ito ang dahilan kung bakit nawala ang saya sa kanilang pamilya. Pinalayas ng
ina ang kanyang asawa sinisisi niya ito
sa pagkawala ng anak, dahil pinayagan ng am na magtrabaho ang anak. Naging magsusugal ang ina na siya mismo ang
nagpangaral sa mga anak na huwag magsusugal. Isang araw, habang nasa sugalan
ang ina, pinuntahan ni Carmen at sinabing umuwi na at mataas ang lagnat ng bunsong
kaptid, subalit binigyan lamang ito ng pambili ng gamot. Ibinili naman ito ni
Carmen. Gabi nang umuwi ang ina, sa pagkakataong ito, dito sinabi ni Carmen na
malaki na ang pinagbago ng ina mula ng mamatay ang kapatid. Agad namang nagalit
ang ina at sinabing huwag idadamay ang kapatid sa lahat ng nangyayari. Naiwang
umiiyak si Carmen matapos pumasok sa kwarto ang ina.Nakatulog na si Carmen ng
umiiyak at nagisingh na lamang siya sa yugyog ng ina, sabay sabing gising na at
kakain na. Niyakap ni Carmen ang ina kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.
Humingi ng tawad ang ina sa nangyari na ipinagpasalamat naman ni Carmen
sapagkat namiss nila ang dating ina.
III. Pagsusuri
A.
Uring
Pampanitikan
Ito ay akdang pampanitikan na nabibilang
sa maikling kwento. Mababasa ng isang upuan lamang at may pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
B.
Istilo
ng Paglalahad
Ang may akda any gumamit ng istilo sa
paglalahad sa paraang patumbalik. Sinimulan ang kawento sa kasalukuyang
kaganapan hanggang sa pagkakaron ng patumbalik sa nakaraaang pangyayari.
C.
Mga
Tayutay
Naging
payak ang paglalahad ng pangyayari. Kaya walang naging tayutay at idyomatikong pahayag sa akdang ito .
D.
Sariling
Reaksyon
1.
Pananalig
Pampanitikan/Teorya
Ang akdang ito ay isang teoryang Romantisismo,
sapagkat mas pinapahalagahan ang damdamin. Namayani pa rin ang pagmamahalan ng
ng isang tunay na pmilya sa kabila ng pagsubok na dumaan sa kanilang buhay.
“
Pasensya ka na anak, hinding hindi na ako magsusgal. Sa inyo ko na lamang
ilalaan ang oras ko. Babawi ako sa inyo, walang mangyayari kung hindi ko
matatangap ang pagkawala ng kapatid nyo, paliwanag ng ina.”
2.
Mga
Pansin at Puna
a.
Tauhan
Maayos
ang pagkakaganap ng mga tauhan, nagampanan ng bawat tauhan ang kanilang papel
sa kwento.
b.
Galaw ng Pangyayari
Sa
umpisa naging payak ang galaw ng
pangyayari, sunod sunod ang pangyayari kahit na nagpatumbalik ang may-akda.
Kaya lamang bumilis ang pangyayari patungo sa wakas.
V. Bisang Pampanitikan
A.
Bisa sa Isip
Natanim sa aking
isip na ang pamilya ay dapat maging matatag anuman ang hamon sa buhay. Ang magulang ang siyang dapat magiging
matatag sapagkat sila ang lakas ng mga
anak.
B. Bisa sa Damdamin
Magkahalong lungkot at saya ang aking
naramdaman. Lungkot sapagkat sa pagkawala ng anak ay hindi naging matatag ang
ina, naggpadala ito sa poot ng kanyang damdamin. Naklimutan niyang mayroon pa siyang mga anak na a naghahnap din
ng pagkalinga at pagmamahal. Saya naman sapagkat sa huli napagtanto ng ina naa
walang mangyayari kung hindi nia tatanggapin ang pagkawala ng anak. Nagising sa
katotohanan ang ina na mayroon pa siyang ibang anak na dapat paglaanan ng oras.
C. Bisa sa Kaasalan
Ang hindi
pagtanggap sa katotohanan ay walang mabuting patutunguhan. Matuto tayong tumanggap
ng pagkabigo sa buhay. Lahat tayo ay dumaranas ng pagsubok subalit ang pagsubok
na ito ang magpapatag sa atin. Huwag tayong padala sa bugso ng damdamin, lagi
nating isaalang-alang ang mga taong maaektuhan kung tayo ay palulugmok sa
pagsubok.
D.Bisang Panlipunan
Ang kwentong ito
ay tungkol sa pamilya na dumaranas ng pagsubok, kung mababasa ito ng maraming
mambabasa lalo na ang may pamilyang tao,
marami silang matututunan sa kwentong ito. Kung paano maging matatag ang isang pamilya sa kabila ng pagsubok lalo
na ang magulang. Kung mababasa nila ito, tiyak na alam na nila ang magiging
epekto ng hindi pagtanggap sa katotohanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento